Search

Bakit Aluminum Free Deodorant Ang Dapat Gamitin Ng Buntis?

Sino sa inyo ang hindi nagbabasa ng ingredients ng inyong deodorant? Taas ang kamay, Mamas! Huwag kayong mag-alala dahil narito kami para ipaalam kung bakit mahalagang gumamit ng aluminum free deodorant lalo na’t kapag nag-bubuntis.

Naku, Mamas! Baka kayo magulat kung gaano tayo ka-exposed sa aluminum araw-araw at may chance pang nakakakain tayo nito. Ito ay dahil ang aluminum ay nakikita sa halos lahat ng mga produktong madalas nating ginagamit.

Ang aluminum ay pangatlong elemento na madalas nakikita sa pang-araw araw na bagay at ito din ay ang most common metal sa mundo. Bilang resulta nito, maaari itong mapasama sa ating mga naiinom na tubig at pagkain.

“Bukod sa presensya ng aluminum sa ating mga kinakain natin, ang aluminum ay sangkap din sa mga cosmetic products at mga self-care products gaya ng mga antiperspirants.”

Dito, tatalakayin natin ang mga posibleng panganib ng aluminyo at kung bakit dapat nating isaalang-alang ang mas ligtas na mga alternatibong produkto.

Pero bago natin gawin iyon, ikumpara muna natin ang Antiperspirant sa Deodorant.

Antiperspirant vs. Deodorant

assorted-deodorants

Bagamat ang antiperspirant at deodorant ay magkasingkahulugan, ito ay naiiba pa rin. 

Ayon sa Healthline, hinaharangan ng antiperspirant ang mga sweat pores upang mabawasan ang pag-pawis ng isang tao buong araw. Ang karaniwang aktibong sangkap para sa antiperspirant mga aluminum-based compounds. Ang mga compound na ito ay responsable sa pansamantalang pigil sa pag-pawis ng iyong mga pores.

Siyempre, ito ay maaaring magdulot ng ilang mga problema dahil ang pagpapawis ay isang natural at kinakailangang proseso ng ating mga katawan.

Ang mga deodorant naman ay kilala bilang mga formulation na lumalaban sa hindi kaaya-ayang amoy na maaaring dala ng pagpapawis. Madalas ito ay alcohol-based at ginagawang acidic ang balat kaya’t hindi gaanong kaakit-akit sa bacteria na manatili sa kili-kili. Madalas ring sangkap ang pabango upang makatulong sa pagtago ng amoy na dulot ng pag-pawis.

Mga Panganib ng Aluminum Exposure

1. Aluminum Toxicity

aluminum-toxicity

Ang Winchester Hospital ay tumutukoy sa Aluminum Toxicity bilang isang pangyayari kapag ang isang tao ay umiinom ng masyadong maraming aluminyo.

Ayon sa Winchester Hospital, ang aluminum toxicity ay dulot ng pagiging exposed sa mga produktong may aluminum. 

Ang ilang mga sintomas ay ang pagkalito, panghihina ng muscles, mga isyu sa buto, mga seizure, mga problema sa pagsasalita, atbp.

Ito ay maaaring mangyari kapag mayroong mataas na konsentrasyon ng aluminum sa pagkain o tubig na iniinom. Maaari itong mangyari sa mga taong naninirahang malapit sa mga minahan ng aluminum o sa mga lugar na kung saaang pinoproseso ang aluminum.

“Kapag napabayaan ang aluminum toxicity, ito ay maaaring magdulot ng seryosong damage sa kalusugan tulad ng long-term issues sa respiratory, neurological, at digestive system ng katawan.”

2. Skin Irritation o Pangangati ng Balat 

underarm-skin-irritation

Ibinahagi ni David Bank, ang Center for Dermatology, Cosmetic, at Laser Surgery director sa Mount Kisco, N.Y, ang kanyang mga saloobin sa aluminyo sa isang artikulong inilathala sa WebMD.

“Ang underarm area ay halos nag-aanyaya sa antiperspirant irritation: Ang manipis at maselan na balat na ito ay mas madaling kapitan ng mga allergic reactions, at ang mainit at moist na kapaligiran ay isang lugar na maaaring pamugaran ng bacteria”. Dahil dito, may mga sangkap ng antiperspirants na kailangang pag-ingatan tulang ng  alkohol, pabango, at paraben.

Gayunpaman, ayon kay Bank, ang aluminum ay ang unang bagay na dapat iwasan ng mga taong may sensitibong balat.

“Ang pangangati ng balat mula sa presensya ng aluminum ay maaaring lumitaw bilang contact dermatitis. Ito ay mailalarawan bilang pamumula, pamamaga, at pangangati ng balat. Sa ibang mga kaso, ang pagpantal ng balat ay maari ring makita.” 

3. Growth Issues sa mga Sanggol at mga Bata 

pregnant-woman

Kung ang pagiging exposed na sobra-sobra sa aluminum ay hindi angkop para sa mga matatanda, mas higit pa man ito para sa mga sanggol at bata. Ayon sa isang article mula sa American Academy of Pediatrics, may ilang pag-aaral na nagpapakiya na ang overexposure sa aluminum ay maaaring magdulot ng bahala.

“Sa makatuwid, may mga patuloy na pag-aaral na nagsisiyasat kung paanong nagdudulot ng immature renal function at growth issues ang aluminum.”

Kung kaya’t kayo ay buntis o kakapanganak laman, mas mabuti pang hindi na gumamit ng mga antiperspirants na may sangkap na aluminum.

Kaya naman switch to an aluminum free deodorant today, Mama!

Ngayong alam niyo na ang mga posiblening panganib ng paggamit ng mga produktong mayroong aluminum sa ating katawan, mas mabuti pang magpalit na ng antiperspirant o deodorant na naglalaman ng aluminum. 

At meron kaming tamang deodorant para sa inyo, Mamas! Ang Mama’s Choice Dry Serum Deodorant!

Mama's Choice Dry Serum Deodorant Philippines

Hindi lamang ito’y magaling magtanggal ng body odor, ito rin ay pumipigil sa labis na pagpawis– minus aluminum. Ito ay gumagamit ng Caremag na isang mineral mula sa Dead Sea. Ang Dry Serum Deodorant ay mayroong crystalline structure na nag-tratrap ng pawis at sebum at dahil dito, napapanatiling dry at smooth ang ating balat.

Pero hindi lang iyon, Mamas! Ang Mama’s Choice Dry Serum Deodorant ay naglalaman din ng niacinamide na epektibong nagpapaputi ng kili-kili.

So mga Mamas, ready na ba kayong gumamit ng aluminum-free deodorant? Mag-check lamang sa Shopee ng Mama’s Choice Dry Serum Deodorant!

Shop Mama's Choice Dry Serum Deodorant

Get a 25% Discount on Mama’s Choice Dry Serum Deodorant | ₱399 ₱299


READ MORE:
Maitim na Kili-Kili? 5 Tips Para Mapaputi Ito!
How To Take Care Of Your Underarms in 4 Easy Ways
5 Skincare Ingredients to Avoid While Breastfeeding

Author Mama's Choice Team

Mama's Choice Team

A team of passionate writers, young mamas, and creative superheroes who help mamas face motherhood one educational article at a time!

COMMENTS

0 Comments
Leave a comment

Your Cart (0)

Close

Mini Cart

Your cart is empty.

Shop now