Search

Mga Effective na Pampaputi ng Kilikili para sa mga Bagong Panganak

Hindi maiiwasan ang pagbabago sa mga katawan ng mga nanay na kakapanganak pa lamang. Kaya naman, marami sa atin ang nakakapansin ng discoloration sa kilikili pagkatapos manganak. Sa article na ito, magbibigay kami ng mga praktikal na pampaputi ng kilikili!

Kung ikaw ay isang bagong nanay, marahil ay nae-experience mo ang pagkaitim ng iyong kilikili kasama ng iba pang pagbabago sa iyong katawan. Hindi ito maiiwasan, ngunit may mga natural na paraan upang mapaputi ang iyong kilikili.

Pero bago ‘yan, mas magandang alamin natin ang mga dahilan kung bakit nagiging maitim ang kilikili ng mga bagong panganak.

 

Mga Dahilan ng Pangingitim ng Kili-kili ng mga Bagong Panganak

Ang pag-itim ng kilikili ay hindi naman nakakaapekto sa overall health ng isang nanay, pero ito ay nagiging sanhi ng pagbaba ng confidence. Dahil dito, mahalaga na maagapan ang pangingitim bago pa ito magdulot ng mas malalang emotional and mental problems. 

Ito ang dahilan ng pangingitim ng kilikili:

1. Pagbabago sa hormones

Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso, nagbabago ang hormones sa katawan ng isang babae, na maaaring magdulot ng pagtaas ng production ng melanin sa balat. Ito rin ang dahilan kung bakit madalas, hindi lamang ang kilikili, kundi pati na rin ang ibang bahagi ng balat ay nagiging maitim sa panahong ito.

2. Paggamit ng deodorant na may harsh na chemicals

Ang paggamit ng deodorant na may harsh na chemicals ay isa rin sa mga dahilan ng pangingitim ng kilikili. Maraming mga deodorant sa merkado na naglalaman ng mga kemikal na maaaring makapagdulot ng pangingitim ng balat.

Ito ay dahil sa mga kemikal na ito na nakakapagdulot ng irritation at allergic reactions sa balat. Maiging umiwas sa mga deodorant na may aluminum, paraben, phthalates, and synthetic fragrances.

3. Kakulangan sa paglilinis ng kilikili

Ang hindi sapat na paglilinis ng kilikili ay isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng pangingitim sa lugar na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso, mas maraming pawis ang nagkakaroon sa katawan, lalo na sa bahagi ng kilikili.

Kapag hindi ito naglilinis ng maayos, nagdudulot ito ng pagkakaroon ng mga bacteria at dirt sa balat, na nagpapadilim sa kulay nito.

4. Pagpapawis nang sobra 

sweaty-underarms

Ang pagpapawis ng sobra sa bahagi ng kilikili at hindi agad ito nalilinis ay isa rin sa mga dahilan ng pangingitim ng kilikili. Sa panahon ng pagpapasuso, mas nagiging aktibo ang sweat glands ng isang babae.

Ito ay maaring magdulot ng mas maraming pawis. Kapag hindi ito nalinis nang tama, nagkakaroon ng mga bacteria sa balat, na nagpapaitim nito.

Mga Simpleng Pampaputi ng Kilikili para sa mga Bagong Panganak

Maliban sa paggamit ng tamang deodorant, ito pa ang ibang mga paraan upang mapaputi ang kilikili:

1. Paggamit ng brightening deodorant

Mama's Choice Dry Serum Deodorant

Get an 8% Discount on Mama’s Choice Dry Serum Deodorant | ₱379 ₱349 | Buy on Shopee | Buy on Lazada

Inirerekomenda namin ang Mama’s Choice Dry Serum Deodorant dahil ito ay gawa mula sa mga natural ingredients katulad ng CareMag (dead sea mineral), niacinamide, at lemon extract. Ang mga ito ay tumutulong sa pagpaputi ng kilikili, pag-kontrol ng sobrang pawis, at pagpapakinis ng balat.

Ang deodorant na ito ay ligtas para sa mga buntis at nagpapasuso din!

Subok na rin ang produktong ito at marami nang mga mamas sa Pilipinas ang bilib sa bisa nito:

Reviews of Mama's Choice Dry Serum Deodorant

Get an 8% Discount on Mama’s Choice Dry Serum Deodorant | ₱379 ₱349 | Buy on Shopee | Buy on Lazada

2. Paggamit ng baking soda at apple cider vinegar

Ang baking soda at apple cider vinegar ay magandang alternative sa deodorant dahil sa kanilang kakayahang mag-neutralize ng amoy ng pawis. Dagdagan ng kaunting tubig ang baking soda upang makagawa ng paste at ipahid ito sa kilikili.

Banlawan ito ng malamig na tubig pagkatapos ng ilang minuto. Maari ring ihalo ang apple cider vinegar sa tubig at gamitin ito bilang pamalit sa deodorant.

3. Paggamit ng honey at turmeric powder

Ang honey at turmeric powder ay mayroong mga antibacterial properties na nakakatulong sa pagtanggal ng mga bacteria sa kilikili na maaring magpaputi rito.

Ihalo ang dalawang sangkap at ipahid ito sa kilikili. Iwanan ito sa loob ng 10-15 minuto bago banlawan ng malamig na tubig.

4. Paggamit ng coconut oil at brown sugar scrub

honey-and-brown-sugar-scrub

Ang brown sugar ay mayroong natural na exfoliating properties na nakakatulong sa pagtanggal ng mga dead skin cells sa balat. Ihalo ito sa coconut oil upang makagawa ng scrub.

Mag-massage sa kilikili gamit ang scrub ng brown sugar at coconut oil, pagkatapos ay banlawan ng malamig na tubig.

Mga Dagdag na Paalala sa Pagpapaputi ng Kilikili

Kung nais mong subukan ang mga simpleng pampaputi ng kilikili na nabanggit sa itaas, narito ang ilang dagdag na paalala para sa ligtas at epektibong pagpapaputi ng kilikili:

1. ‘Wag magmadali

Siguraduhin na hindi ka magmamadali sa pagpapaputi ng iyong kilikili. Huwag mag-expect na makakapagpakita ng agarang resulta dahil baka masira pa ang balat ng kilikili kung magmamadali ka.

Bigyan mo ang mga natural na sangkap ng sapat na oras upang magpakita ng kanilang epekto sa iyong balat.

2. Humingi ng opinyon sa mga specialists

Ang mga bagong panganak ay mayroong sensitibong balat. Kaya mahalaga na kumuha ng opinyon ng mga specialists tulad ng dermatologist o ob-gyn bago mag-subok ng anumang pampaputi ng kilikili.

Ito ay upang masiguro na hindi ka magkakaroon ng mga side effects o komplikasyon sa iyong balat at kalusugan.

Sana ay nakatulong sa inyo ang aming mga tips para mapaputi ang inyong kilikili pagkatapos ng pagbubuntis at pagpapasuso. Tandaan na ang pagpapaputi ng kilikili ay hindi lamang nagbibigay ng kagandahan sa ating balat, kundi ito rin ay nagbibigay ng kumpiyansa kaya importante ring maglaan ng oras para sa skin care – sa mukha at iba pang bahagi ng katawan. 

Shop Mama's Choice Dry Serum Deodorant

Get an 8% Discount on Mama’s Choice Dry Serum Deodorant | ₱379 ₱349 | Buy on Shopee | Buy on Lazada


ALSO READ:
Maitim na Kili-Kili? 5 Tips Para Mapaputi Ito!
Bakit Aluminum Free Deodorant Ang Dapat Gamitin Ng Buntis?
How To Take Care Of Your Underarms in 4 Easy Ways

Author Mama's Choice Team

Mama's Choice Team

A team of passionate writers, young mamas, and creative superheroes who help mamas face motherhood one educational article at a time!

COMMENTS

0 Comments
Leave a comment

Your Cart (0)

Close

Mini Cart

Your cart is empty.

Shop now