Napapansin mo bang mas tumatapang ang body odor mo pagkatapos mong manganak? Normal lang ‘yan, mga mommy. Sa article na ito, ipapaliwanag naming kung bakit ito nangyayari at ang mga paraang kung paano mawala ang amoy ng kilikili.
Alam naman nating lahat na normal lamang ang pagpapawis at pagkaroon ng hindi kaaya-ayang amoy tuwing tayo ay napapagod. Totoo nga ang isa sa pinaka-challenging na pagdadanan ng isang babae ay ang pagbubuntis.
The struggle is real hanggang sa pagkatapos ng pangaganak dahil maraming responsibilidad ang nakaakibat sa pagpapalaki ng isang sanggol. Kaya nama marami sa mga bagong nanay ang nakakaranas ng mas matapang na body odor ilang buwan pagkatapos nilang maisilang ang kanilang baby.
Maliban doon, marami pang ibang dahilan na maaring dahilan sa pagkakaroon ng mabahong amoy sa kilikili. Tatalakayin natin lahat ‘yan ngayong araw at bibigyan din namin kayo ng mga praktikal na solusyon para maagapan ito.
Mga dahilan ng mabahong amoy sa kilikili
Bagamat wala namang masama sa pagpapawis at pagkakaroon ng mabahong amoy, hindi rin natin maitatanggi na may mga pagkakataon na nakakahiya at nakaka-frustrate ang body odor. Ito rin ay maaring makaapekto sa confidence ng nanay na maaring magdulot ng anxiety at depression.Â
Alam nating lahat na importante ang physical and mental health ng mga nanay, kaya andito kami upang tulungang ma-solve ang isa sa mga pangunahing problema ng mga bagong panganak na nanay tungkol sa kanilang katawan.Â
1. Hormonal changes
Para sa mga kababaihan, ang hormonal changes tulad ng pagbubuntis, menopause, o menstrual cycle ay maaaring magdulot ng mabahong amoy sa kilikili.Â
Ang pagbaba ng estrogen na normal sa mga kababaihan na buntis o bagong panganak ang kadalasang dahilan ng pagbaho ng kilikili.
2. Poor hygiene
Ang hindi sapat na paglilinis ng kilikili at hindi tamang paggamit ng deodorant ay maaaring magdulot ng hindi kaaya-ayang amoy.
3. DietÂ
Pati ang eating habits ng isang nanay ay nakakaapekto sa kanyang amoy. Ang mga pagkain tulad ng bawang, sibuyas, at alak ay may malakas na amoy na naglalabas sa ating pawis at naiipon sa kilikili.
4. Stress
Ang stress ay nakakaapekto sa ating hormones at nagpapalabas ng iba’t-ibang mga kemikal na maaring magdulot ng mabahong amoy sa atin.
5. Medical condition
At kung ang mga naunang dahilan ay iyong na-rule out na, naaaring mayroong underlying medical condition tulad ng hyperhidrosis o bacterial infection na nagiging sanhi ng hindi kanais-nais na amoy sa kilikili. Mas maiging magtanong na sa doktor kung ganito na ang iyong sitwasyon.Â
Paano Mawala Ang Amoy ng Kilikili: 4 Tips na Maaaring Sundan
‘Wag ka panghinaan ng loob, mommy. Marami kang p’wedeng gawin upang maibsan ang nararanasan mong pagbaho ng kilikili.
1. Maligo nang araw-araw
Ang paghuhugas ng kilikili sa bawat araw ay makakatulong upang maiwasan ang mabahong amoy. Siguraduhin na natuyo bago maglagay ng deodorant at magbihis upang maisan ang kulob na amoy.Â
2. Pumili ng tamang deodorant
Get an 8% Discount on Mama’s Choice Dry Serum Deodorant | ₱379 ₱349 | Buy on Shopee | Buy on Lazada
Piliin ang deodorant na bagay sa iyong pangangailangan. May mga deodorant na nangangailangan ng re-application sa loob ng araw at mayroong hindi.
Piliin ang deodorant na may antibacterial properties upang makaiwas sa mga bacteria na nagdudulot ng mabahong amoy.
Dahil ikaw ang bagong panganak na nanay, makakatulong kung gagamit ka ng deodorant na gaya ng Mama’s Choice Dry Serum Deodorant. Ito may gentle formulation na nagsisiguro na ito ay epektibo pero gentle sa iyong kilikili.Â
Gusto rin namin ito dahil ito ay may triple action formula na nakakapagpaputi at nakakapagpakinis ng kilikili. Bukod pa riyan, subok na ito at talagang mabisa ayon sa mga Mamas na nakasubok na nito:
Get an 8% Discount on Mama’s Choice Dry Serum Deodorant | ₱379 ₱349 | Buy on Shopee | Buy on Lazada
3. Pumili ng tamang damit
Piliin ang mga damit na maluwag at hindi magdudulot ng sobrang pagpapawis sa kilikili. Mas mainam na pumili ng mga damit na gawa sa natural na tela tulad ng cotton.
Iwasan ang paggamit ng synthetic fabrics tulad ng polyester at nylon dahil ito ay nagdudulot ng pawis at nagpapalala ng amoy.
4. Alisin ang buhok sa kilikili
Kapag may mga buhok ang kilikili, maaari itong magdulot ng pagbaho sapagkat naiipon ang moisture sa mga hair strands. Maari kang mag-shave, pluck, o wax – basta gagawin mo nang dahan-dahan.Â
May mga clinic din na nakakapagbigay ng safe na laser hair removal services sa mga nagbe-breastfeed na nanay.Â
Iba Pang mga Natural Remedies upang Mawala ang Mabahong Amoy sa Kilikili
Maliaban sa mga nauna na naming nabanggit, narito ang ilan pang mga paaraan upang mawala ang mabahong amoy sa kilikili.Â
- Gumamit ng apple cider vinegar bilang natural na deodorant. Ito ay may antibacterial properties na nakakatulong sa pagpapatay ng mga bacteria na nagiging sanhi ng mabahong amoy.
- Gumamit ng baking soda bilang alternative sa deodorant. Ito ay may kakayahan na mag-absorb ng amoy.
- Gumamit ng tea tree oil, lavender oil, o lemon juice bilang natural na pampatuyo at antibacterial agent sa kilikili.
- Kumain ng mga pagkain na mayaman sa zinc tulad ng nuts, beans, at whole grains upang mapigilan ang pagkakaroon ng mabahong amoy sa katawan.
- Gumamit ng activated charcoal soap o scrub sa kilikili upang mapatuyo at mapanatili ang kalinisan.Magtimpla ng green tea at ipahid sa kilikili dahil ito ay mayroong antimicrobial properties.
- Umiwas sa paggamit ng mga bagong produkto o deodorants na naglalaman ng mga kemikal na nakakapagdagdag ng amoy sa katawan.
Ang pagbaho ng kilikili ay normal na bahagi ng buhay ng tao. Lahat tayo ay makakaranas n’yan.Â
Ngunit dahil sa iba’t-ibang mga kadahilanan tulad ng hormonal imbalances, stress, o exposure sa mga sakit mula sa kapaligiran – maaring mas malala ang iyong pagbaho at hindi na ito masolusyonan ng mga pangkaraniwang pamamaraan.
Kaya hindi dapat ito ikahiya o itago. Sa halip, dapat itong aksyunan, agarang kumonsulta sa doktor upang magamot nang maayos, o di kaya gumamit ng Mama’s Choice Dry Serum Deodorant! Sana ay nakatulog kami sa inyo, mommy!
Get an 8% Discount on Mama’s Choice Dry Serum Deodorant | ₱379 ₱349 | Buy on Shopee | Buy on Lazada
ALSO READ:
Maitim na Kili-Kili? 5 Tips Para Mapaputi Ito!
Mga Effective na Pampaputi ng Kilikili para sa mga Bagong Panganak
Bakit Aluminum Free Deodorant Ang Dapat Gamitin Ng Buntis?
Mama's Choice Team
A team of passionate writers, young mamas, and creative superheroes who help mamas face motherhood one educational article at a time!