Search

Gamot sa Naglalagas na Buhok: Ano Ang Pwedeng Gamitin ng Postpartum Mamas?

Mahalaga na malaman natin na ang pagkalagas ng buhok pagkatapos ng panganganak ay malawak na nararanasan ng mga kababaihan kaya naman ‘wag dapat natin ito masyadong ikabahala at pumili ng tamang gamot sa naglalagas na buhok bilang mga new mama!

Narito kami upang magbigay ng kaunting kaliwanagan sa simpleng tanong na ito: Ano nga ba ang nagiging sanhi ng pagkawala ng buhok pagkatapos ng panganganak?

“Nagulat ako sa dami ng buhok na nalalagas sa akin tuwing naliligo ako. Puno ng buhok ang sahig ng banyo namin,” pagbabahagi ng bagong mama na si Therese. Ngunit, katulad ng aming sinabi, ang pangyayaring ito ay hindi na bago.

Ayon sa pagsusuri ng mga eksperto, karaniwan lang ang paglalagas ng buhok sa araw-araw. Umaabot pa ito as much as 150 strands per day, gayunpaman dapat nating ikabahala pag ang nakalap na buhok ay umabot ng isang kumpol na makabuo na ng isang bola ng golf ball. 

At para naman sa mga new mamas, mas pangkaraniwan pa ang paglalagas ng buhok dahil sa hormonal changes. 

Ano Ang Kadalasang Sanhi Ng Paglalagas Ng Buhok Sa Postpartum?

sanhi ng hair fall

Kaakibat ng pagbubuntis ang pagtaas ng antas ng estrogen at progesterone. Ang dalawang hormones na ito ay nakakatulong sa pagtubo at pagpapanatiling malusog ng ating mga buhok – na tinatawag ding anagen phase. Kung kaya’t mas bumababa ang karaniwang pagkalagas ng buhok ng mga pregnant mamas at mas glowing at full ang kanilang mga buhok!

Ngunit pagkatapos ng kanilang panganganak, biglang bumababa ang antas ng mga hormones na tulad ng estrogen at progesterone ayon sa ulat mula sa Healthline, sa loob lamang ng 24 oras.

Ang biglaang pagbabagong ito sa mga antas ng hormone ay nagtutulak sa iyong buhok na mapunta sa kaniyang “resting” stage kung saan nagsisimula itong maglagas at bumagsak ng mas mabilis dahil hinahabol nito ang mga buhok na hindi nalaglag noong mataas pa ang antas ng estrogen at progesterone sa iyong katawan.

Ayon sa direktor ng International Association of Trichologists na nakabase sa Australia na si David Salinger, ang buhok ay nananatiling “resting” sa loob ng humigit-kumulang na tatlong buwan bago mo muling makita ang pagtubo at paglago nito. Kadalasan ang muling pagtubo ay makikita sa paglago ng mga baby bangs sa ating mga hairline.

Kung Hindi Ito Tunay na Pagkalagas ng Buhok… Ano Ito?

Gamot para sa Naglalagas na Buhok

Una, unawain natin kung ano ang aktwal na pagkawala ng buhok. Ayon sa mga eksperto, ang pagkawala ng buhok (mas kilala sa medisina bilang anagen effluvium) sa mga kababaihan ay kadalasang nangyayari sa linya ng pagkakahati ng kanilang buhok o ang buhok sa tuktok ng ulo ang kadalasan ay mas nagiging manipis. 

Maliban sa pagkalagas ng buhok pagkatapos ng panganganak na na-trigger ng mga pagbabago ng mga hormones, ito pa ang mga halimbawa ng mga maaaring mag-trigger ng pagkalagas ng buhok:

  • Hereditary o namamana na pagkawala ng buhok
  • Mga allergic reaction
  • Mga gamot para sa buhok o mga treatment
  • Hairstyles na nagdudulot ng paghatak ng anit
  • Mga kemikal na produkto sa pangangalaga sa buhok
  • Ang pilit na pagbunot ang buhok

Sa kabilang banda, ang pagkawala ng buhok na nararanasan ng mga babaeng kakapanganak pa lang ay kilala bilang telogen effluvium o simpleng sobrang paglalagas ng buhok.

Paliwanag ni Jeffrey Hurley, MD, isang dermatologist sa Chester County Hospital “Patuloy pa rin ang pagtubo ng iyong buhok, ngunit mas maraming lamang ang nalalagas sa bawat araw. Pansamantala lamang ito at humihinto nang mag-isa.”

Mga Gamot sa Naglalagas na Buhok at Tips Para sa Sobrang Paglalagas ng Buhok

Gamot sa Naglalagas Na Buhok | Mama's Choice Treatment Shampoo

Get a 14% Discount on Mama’s Choice Postpartum Hair Care Series | ₱1,399 ₱1,199 | Buy on Shopee | Buy on Lazada

Ngayong napagalaman na natin kung ano ang kadalasang sanhi ng pagkalagas ng buhok pagkatapos ng panganganak, narito ang ilang hakbang na maaari mong gawin upang matulungan ang iyong buhok na maging mas malago, mas makapal, at mas malusog:

  • Huwag labis mag-shampoo ng iyong buhok. Kapag hinuhugasan mo ang iyong buhok, gumamit ng mga shampoo na ginawa para sa pagkawala ng buhok at hangga’t maaari gumamit ng mga gawa sa natural ingredients na shampoo upang maiwasan ang mga masasamang kemikal.
  • Gumamit lamang ng conditioner sa dulo ng iyong buhok. Ang paglalagay ng conditioner sa mga ugat ay lalong magpapabigat sa iyong buhok.
  • Gumamit ng suklay na may malawak na ngipin para mabawasan ang pagkakasahol o sabit nito.
  • Gumamit ng mga scrunchies sa halip na mga rubber band.
  • Huwag masyadong sikipan kung ilalagay mo ang iyong buhok sa isang pusod o pagkakatali.
  • Iwasan ang mainit na mga styling tools at mga hair treatments hangga’t maaari..

Iwasan Ang Postpartum Hair Loss Gamit Ang Mama’s Choice Hair Care Series!

Gamot sa naglalagas na buhok

Get a 14% Discount on Mama’s Choice Postpartum Hair Care Series | ₱1,399 ₱1,199 | Buy on Shopee | Buy on Lazada

Mayroon ka ng bagong kasangga sa paglaban ng postpartum hair loss, ang Mama’s Choice Hair Care Series ay ginawa at dinisenyo para tugunan ang labis na paglalagas ng buhok, pagpapasigla ng ugat at pagtulong sa pagtubo ng buhok.

Mula sa all-natural inspiration para sa Hair Care Series at upang gumawa ng formula na makakatulong sa pagbawas ng paglagas ng buhok, gumamit ito ng mga sangkap tulad ng kiwi, candlenuts at green peas!

Mama's Choice Strengthening Hair Serum | Gamot sa Naglalagas Na Buhok
Mama’s Choice Postpartum Hair Care Series ay mabisa as early as 7 days!

Get a 14% Discount on Mama’s Choice Postpartum Hair Care Series | ₱1,399 ₱1,199 | Buy on Shopee | Buy on Lazada

Ang mga halimbawa pa ng mga benepisyo ng mga sangkap na ito: ang kiwi na may vitamin C para sa pagpapatibay ng anit at ugat. Candlenuts naman para sa regenerative properties nito na makakatulong sa pagtubo ng buhok sa pamamagitan ng pag-activate ng stem cells sa ating mga hair follicles. At, ang green peas naman ay mayaman sa iron at biotin na mahalaga para panatilihing malusog ang ating buhok!

Kaya naman,piliin ang mas safe at natural na pamamaraan para matulungan ka sa iyong postpartum hair loss! Subukan na at malaman para sa iyong sarili mama! 

Mama's Choice Postpartum Hair Care Series | Gamot sa Naglalagas na Buhok

Get a 14% Discount on Mama’s Choice Postpartum Hair Care Series | ₱1,399 ₱1,199 | Buy on Shopee | Buy on Lazada


READ MORE:

Postpartum Hair Loss Home Remedies: 11 Tips You Can Try Right Now

5 Reasons To Love This Postpartum Anti-Hair Loss Serum

Naglalagas Na Buhok: Mga Tips Para Lutasin Ang Postpartum Hair Loss

Author Mama's Choice Team

Mama's Choice Team

A team of passionate writers, young mamas, and creative superheroes who help mamas face motherhood one educational article at a time!

COMMENTS

0 Comments
Leave a comment

Your Cart (0)

Close

Mini Cart

Your cart is empty.

Shop now